Benefits at Credits para sa Mga Bagong Dating sa Canada

Transcript

Karamihan sa mga serbisyo at benepisyo na ating tinatamasa sa Canada ay naging posible sa pamamagitan ng buwis.

Ang mga buwis na ating binabayaran ay nakakatulong din na maglagay ng pera sa mga bulsa

ng mga estudyante, mga pamilya na may mababang kita, mga bagong dating, mga matatanda, at mga taong may kapansanan,

sa pamamagitan ng benefit and credit payments.

Alam mo bang maaari kang kwalipikado para sa benefit and credit payments. kahit kararating mo lang at wala ka pang kita sa Canada?

Maaari kang kwalipikado para sa:

  • Canada Child Benefit;
  • goods and services/harmonized sales tax (GST/HST) Credit; at
  • Iba pang naguugnay na provincial and territorial programs

Ang Canada Child Benefit ay isang benepisyo na matatanggap tuwing buwan na walang buwis.

Ito ay tumutulong sa mga pamilya sa gastos ng pagpapalaki ng mga batang ang edad ay hindi hihigit sa 18 taon.

Ang goods and services tax/harmonized sales tax (GST/HST) credit ay matatanggap tuwing 3 buwan na walang buwis

ito ay tumutulong sa mga indibidwal na tao at mga pamilya na may mababa at katamtamang kita

para pagaanin ang lahat o parte ng GST o HST na kanilang binayaran.

Ang mga probinsya at mga teritoryo ay may ilang benefits rin and credits na maaaring nararapat sa iyo.

Hindi mo na kailangang mag-aplay ng hiwalay para sa kaugnay na provincial and territorial programs.

Ang Canada Revenue Agency ang magtutukoy kung ikaw ay kwalipikado kapag nag-aplay ka para sa Canada Child Benefit o

sa pamamagitan ng mga impormasyon na nakasaad sa iyong tax return.

Bago ka mag-aplay nitong mga benefits and credits

kailangan mo munang kumuha ng social insurance number.

Upang magpatuloy ang pagtanggap ng benefit and credit payments, kailangan mong gawin ang iyong buwis bawat taon,

kahit na wala kang kita sa nasabing taon o kahit nakatira ka sa Canada sa kaunting panahon lamang.

Kung ikaw ay may asawa o ka-live in partner, kailangan din nilang gawin ang buwis bawat taon upang makapagpatuloy sa pagtanggap ng iyong mga bayad.

Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanda ng iyong mga papeles sa buwis,

maari kang magbigay pahintulot sa ibang tao,

tulad ng membro ng pamilya, kaibigan, o isang accountant,

na siyang makitungo sa Canada Revenue Agency para sa iyo.

Maaari ding maging libre ang paghahanda ng iyong mga papeles sa buwis sa pamamagitan ng mga boluntaryo galing sa tax clinic.

Ito po ang ilan sa mga pamamaraan na maitutulong ng Canada Revenue Agency sa mga taong bago lang sa Canada.

Pumunta lamang sa canada.ca/new-to-canada

o tumawag sa 1-800-387-1193 para sa karagdagang impormasyon.

At, matutong protektahan ang sarili laban sa mga scam.

Kung ikaw ay makakatanggap ng tawag, text o email na parang scam, marahil ito ay scam.

Kapag ikaw ay nagdududa, tumawag sa Canada Revenue Agency.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa canada.ca/taxes-fraud-prevention.

Maraming salamat!

Page details

Date modified: