Alamin ang mga panuntunan at pamamaraan bago ka mag-apply na mag-aral sa Canada.
Puedeng maging kaaya-ayang karanasan ang pag-aaral sa Canada bilang estudyante mula sa ibang bansa. Bago ka mag-apply para sa isang student visa (study permit), mahalagang maintindihin muna ang mga paraan, proseso at kung paano protektahan ang iyong sarili laban sa panloloko ukol sa imigrasyon.
Sa page na ito:
- Study Permit
- Alamin ang mga babala ng panloloko
- Paggamit ng representative o taga-lakad
- Protektahan ang iyong sarili laban sa panloloko
Study permits
Ang study permit (student visa) ay isang dokumentong ipinagkakaloob ng Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC) (Pamahalaan ng Canada) na nagpapahintulot sa mga estudyanteng mula sa ibang bansa na mag-aral sa Canada.
May bayad na CAN$150 ang pag-apply para sa study permit.
Kung ikaw mismo ang mag-a-apply o hihingi ka ng tulong sa paggawa ng iyong aplikasyon, ikaw lamang ang may akda at may pananagutan sa lahat ng impormasyon sa aplikasyon. Ang pagbibigay ng mali o hindi totoong impormasyon ay maaaring magresulta sa pagtanggi o pahindian ang iyong aplikasyon at maaari kang pagbawalang makapunta sa Canada hanggang sa susunod na limang (5) taon.
Impormasyon tungkol sa proseso ng aplikasyon para sa study permit
Bago ka mag-apply para sa study permit, kailangang tanggapin ka ng mga piling institusyon o tinatawag na Designated Learning Institution (DLI).
Bago ka mag-apply para sa study permit, kailangang tanggapin ka ng mga piling institusyon o tinatawag na Designated Learning Institution (DLI).
Hindi lahat ng kolehiyo sa Canada ay puedeng tumanggap ng mga estudyante mula sa ibang bansa.
Tiyaking kabilang sa listahan ng mga piling institusyon ang kolehiyo kung saan ka nag-a-apply.
Para mag-apply para sa study permit, kakailanganin mong magbigay ng mga sumusunod:
- opisyal na sulat ng pagtanggap mula sa isang DLI
- isang sulat ng pagpapatunay mula sa province o territory kung saan mo gustong mag-aral, maliban kung ikaw ay tumutupad sa isang exception
- katunayan ng pagkakakilanlan
- katunayan na mayroon kang hindi bababa sa CAN$20,635.00; bukod pa ito sa iyong matrikula sa unang taon at mga gastusin sa pagbiyahe
Alamin ang mga dokumentong kakailanganin mo bago mag-apply para sa isang pahintulot sa pag-aaral.
Kung tinanggihan ang iyong aplikasyon at nais mong mag-a-apply muli gamit ang parehong impormasyon, hindi nito mapapabilis ang proseso o mababago ang desisyon tungkol sa pagtanggi sa pag-aaral. Tiyaking nauunawaan mo kung bakit ito tinanggihan bago ka mag-apply muli.
Alamin pa kung anu-ano ang mga pahintulot sa pag-aaral at sa proseso ng aplikasyon.
Alamin ang mga babala laban sa panloloko
Maaaring sinusubukan kang i-scam ng isang tao kung
- ini-engganyo kang mag-apply ng student visa nang walang sulat ng pagtanggap mula sa isang piling institusyon o Designated Learning Institution (DLI) sa Canada
- Tandaan: Kailangan mo ng sulat na ikaw ay natanggap sa isang DLI bago ka makapag-apply ng study permit. Iwasan ang panloloko sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat ng pagtanggap na galing sa iyong napiling DLI.
- pinapangakuan ka ng sulat ng pagtanggap mula sa isang DLI kung babayaran mo sila
- Tandaan: Bago ka mabigyan ng anumang dokumento sa pag-admit, susuriin ng isang DLI o kinikilalang institusyon ang iyong kakayahan sa wika at akademiko, kokompirmahin nito ang iyong pagkakakilanlan, at hihingi ito ng mga transcript, mga sulat ng reperensiya, o katunayan ng paninirahan.
- sinasabi sa iyo na mabibigyan ka nila ng mas murang tuition kung magbabayad ka
- Tandaan: Direktang makipag-ugnayan sa paaralan para pag-usapan ang mga bayarin. Ugaliing magbayad ng iyong tuition diretso mismo sa iyong napiling kolehiyo.
- hinihiling sa iyo na magbayad ka para makapag-apply sa scholarship o para makapagbigay ng garantiyang maaaprubahan ang iyong scholarship
- Tandaan: Karaniwang libre ang mag-apply para sa scholarship at walang makakapagbigay ng garantiya na makakakuha ka nito.
- sinasabi sa iyo na puede kang manatili sa Canada nang mas matagal sa panahon ng iyong pahintulot sa pag-aaral
- Tandaan: Hindi kukulangin sa 30 araw bago mag-expire o ma-paso ang iyong study permit: kailangan mong mag-apply na mapalawig o ma-extend ang iyong study permit at ibalik ang status mo o maghanda kang umalis sa Canada.
- sinasabi sa iyo na sa lahat ng DLI at programa sa pag-aaral, magiging kwalipikado ka para sa post-graduation work permit (PGWP)
- Pinangakuan ka ng trabaho o permanenteng status o Permanent Residence (PR)
- hinihiling sa iyong ipadala mo ang mga dokumento o bayad sa pamamagitan ng social media
Protektahan ang iyong sarili at ang iba sa pamamagitan ng pagsumbong ng mga mapanloko o kahina-hinalang aktibidad.
Paggamit ng isang representative o taga-lakad.
Maaaring ikaw mismo ang mag-apply para sa study permit, o puede mong piliing magkaroon ng táong tutulong sa iyo sa pag-asikaso ng aplikasyon o mag-apply para sa iyo. Sa Canada, tinatawag na “representative” ang táong tutulong sa iyo sa aplikasyon mo.
Dapat ipahayag sa iyong aplikasyon kung sino ang mga representative, kahit na hindi niyo sila binabayaran.
Kapag hindi mo naipahayag ang totoo at tamang impormasyon sa iyong aplikasyon, itinuturing itong pagsisinungaling, at maaaring tanggihan ang iyong aplikasyon.
Impormasyon tungkol sa mga representative:
May 2 uri ng representatives na maaaring tumulong sa iyo na mag-apply para sa isang study permit, at makipag-usap sa Pamahalaan ng Canada para sa iyo:
Mga binabayarang representative:
Sila ay dapat na awtorisado ng namamahalang organisasyon sa Canada na maningil para sa kanilang mga serbisyo. Pinupunan o sasagutan nila ang forms at isinusumite nila ang aplikasyon mo para sa iyo nang may bayad.
Ang representatives na ito ay mga pinapangasiwaang propesyonal na nakakaunawa sa mga proseso ng imigrasyon at aplikasyon ng Canada. Magagawa nilang ipaliwanag ang iba't ibang uri ng visa at payuhan ka sa iyong aplikasyon.
Ang mga binabayarang representatives ay kadalasan:
- mga abogado
- mga paralegal
- mga notaryo ng Quebec
mga kasangguning nakarehistro sa College of Immigration and Citizenship Consultants
Mga hindi binabayarang representative:
Tinutulungan ka nila sa proseso ng aplikasyon nang hindi naniningil. Tumutulong sila na punan o sagutan ang forms at isumite ang aplikasyon mo para sa iyo nang libre at walang kaukulang bayad.
Mga halimbawa ng mga hindi binabayarang representatives:
- mga kaibigan
mga kapamilya
Karagdagang impormasyon tungkol sa mga representative.
Huwag gumamit ng mga hindi awtorisadong representative.
Ilegal at bawal para sa sinumang hindi awtorisado ng namamahalang organisasyon sa Canada na maningil para tulungan ang mga tao na punan o sagutan ang forms at magsumite ng mga aplikasyon sa imigrasyon sa Canada.
Ang mga hindi awtorisadong representative ay maaaring tawaging:
- mga ahente sa visa
- mga ahente sa imigrasyon
- mga fixer ng visa
Sa Canada, tinatawag silang “mga hindi awtorisadong practitioner.” Naniningil sila para tulungan ka sa proseso ng imigrasyon, pero hindi sila nakarehistro sa isang namamahalang organisasyon sa Canada. Ang mga hindi awtorisadong representative ay walang espesyal na koneksyon sa mga opisyal ng imigrasyon ng Canada. Hindi makakatulong sa pagpapabilis ng proseso ng iyong aplikasyon ang pagkuha ng mga katulad nila.
Impormasyon tungkol sa mga hindi awtorisadong representative
Maaaring malagay ka sa panganib kung kukuha ka ng hindi awtorisadong representative.
- Maaari silang maningil para sa hindi maganda o wala talagang serbisyo at maaaring maapektuhan ng kanilang mga aksyon ang iyong pagiging kwalipikado sa imigrasyon.
- Marami ang mangangakong ikukuha ka nila ng study permit o permanenteng status (permanent residence, PR) kung kukunin mo sila. Walang makakapagbigay ng garantiya na ibibigay ng IRCC ang study permit, pahintulot sa trabaho, o PR.
- Kadalasang gumagamit ng mga pekeng dokumento ang mga hindi awtorisadong representative. Nakikipagtulungan ang pamahalaan ng Canada sa mga kasosyo nito para sanayin ang mga officer at malaman nila kung ang mga dokumento ay peke. Isang seryosong krimen ang magsinungaling sa isang aplikasyon o magpadala ng mga peke o binagong dokumento.
- Kung napag-alaman ng isang visa officer ng Canada na may maling impormasyon sa iyong aplikasyon, maaring haharapin mo ang mga sumusunod: a. Tatanggihan ang iyong aplikasyon at maaari kang pagbawalang mag-apply sa susunod na 5 taon. b. Kung nasa Canada ka na, maaari kang palabasin/paalisin sa bansa. Ugaliing kumuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga kahihinatnan ng panloloko sa imigrasyon at pagkuha ng citizenship.
Protektahan ang iyong sarili laban sa panloloko.
- Kumuha ng nakasulat na kontrata at ng (balangkas) listahan ng mga bayarin sa aplikasyon at mga serbisyo na binabayaran mo at kumuha ng (pinirmahang) opisyal na resibo para sa bawat (pagbabayad) o lahat ng nabayaran mo.
- Bago mo pirmahan ang iyong aplikasyon, tiyaking totoo at tama ang lahat ng impormasyonsa iyong aplikasyon at sa mga pansuportang dokumento at na nauunawaan mo ang lahat.
- Huwag kailanman pumirma sa mga blangkong form o aplikasyon.
- Mag-ingat sa mga kinatawang naniningil ng bayad sa applicaiton forms para sa iyong visitor visa o eTA.
- Awtomatikong ibinibigay nang libre ang mga visitor visa at eTA forms kasama ng iyong study permit; hindi mo na kailangang magsumite ng hiwalay na aplikasyon.
- Siguraduhing ipapadala mo ang iyong aplikasyon gamit ang opisyal na online na systema ng Pamahalaan ng Canada.
- Maaaring sabihin sa iyo ng mga scammer na ipinadala na nila ang aplikasyon mo, pero hindi nila ito ginawa.
- Palaging magbayad ng tuition nang direkta mismo sa iyong napiling kolehiyo.
Ugaliing kumuha ng karagdagang impormasyon para malaman kung paano protektahan ang iyong sarili mula sa panloloko sa imigrasyon at pagkuha ng citizenship.
Détails de la page
- Date de modification :