Pahayag ukol sa Pagka-pribado
Ang isang patakaran sa pagka-pribado ay isang pahayag o legal na dokumento (sa batas ukol sa pagka-pribado) na naglalathala ng ilan o lahat ng mga paraan kung paano kinokolekta, ginagamit, isinisiwalat, at pinamamahalaan ng Service Canada ang iyong datos.
Ang impormasyon na ibibigay mo upang suportahan ang iyong reklamo tungkol sa abuso o maling paggamit ng Temporary Foreign Worker(s) ay kinokolekta sa ilalim ng awtoridad ng:
- Immigration and Refugee Protection Act (Batas Ukol sa Imigrasyon at Proteksyon ng Refugee)
- Immigration and Refugee Protection Regulations (Mga Regulasyon ukol sa Imigrasyon at Proteksyon ng Refugee), at
- Batas ukol sa Pagka-pribado
Ang impormasyon na ito ay tumutulong sa amin na matiyak ang mga susunod na hakbang sa proseso.
May iba’t-ibang mga uri ng international worker programs na pinamumunuan ng iba't-ibang mga organisasyon ng pamahalaan. Ang impormasyon na ibibigay mo ay maaring ibahagi sa:
- Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC)
- Canada Border Service Agency (CBSA)
- Royal Canadian Mounted Police (RCMP)
Ang impormasyon na iyong ibibigay ay kusang-loob. Ang iyong pagtanggi na ibigay ang personal na impormasyon ay hindi makakaapekto sa iyong pakikipag-ugnayan sa Pamahalaan ng Canada sa darating na panahon.
Hindi ka obligadong magbigay sa amin ng personal na impormasyon tungkol sa iyong sarili. Gayunman, kung nagbigay ka nito, maaring kontakin ka namin para sa karagdagang impormasyon.
Kami ay obligado alinsunod sa batas na gawin ang lahat ng mga makatwirang hakbang upang protektahan ang iyong identidad. Ang iyong personal na impormasyon ay pamamahalaan alinsunod sa:
- Immigration and Refugee Protection Act (Batas Ukol sa Imigrasyon at Proteksyon ng Refugee)
- Privacy Act (Batas ukol sa Pagka-pribado)
- Immigration and Refugee Protection Regulations (Mga Regulasyon Ukol sa Imigrasyon at Proteksyon ng Refugee)
- Department of Employment and Social Development Act (Batas ng Kagawaran ng Trabaho at Panlipunang Kaunlaran), at
- iba pang mga naaangkop na batas
Mayroon kang karapatan sa proteksyon, access, at pagwawasto ng iyong personal na impormasyon. Ito'y nakalarawan sa:
- Personal Information Banks ESDC PPU 440 Temporary Foreign Worker Program (TFWP), at
- ESDC PPU 715 Employer Compliance Reviews and Inspections
Upang malaman kung paano hilingin ang impormasyon na ito, tingnan ang publikasyon ng pamahalaan na pinamagatang Information about programs and information holdings.
Ang impormasyon tungkol sa mga programa at information holdings ay maari ring i-access online sa anumang Service Canada Centre.
Mayroon kang karapatang mag-file ng reklamo sa Privacy Commissioner of Canada hinggil sa paghawak ng institusyon sa iyong personal na impormasyon.
Page details
- Date modified: